Friday, December 9, 2011

Muni-Muni

Kapag nasa Glorietta ako at umaambon bigla na lang ako napapangiti naalala ko tayo, masaya tayong naglakad sa Ayala habang umaabon. Parang mga batang paslit na walang pakialam sa ulan. "Mag-payong ka!" sabi mo sa akin, sagot ko naman sa'yo "Ayoko nga kung magpapakabasa ka, magpapakabasa din ako". Yan ang unang labas natin o sabihin na nating "Date". Kahit pagod tayo masaya pa rin tayo. 

Love is the only thing that can make you happy and sad. Mabilis ang mga pangyayari. Mahigit sa isang taon bago uli ko nasabing I found a true love again. Noong una kitang nakita ang nasabi ko lang sa sarili ko "gusto kita." Nagsimula sa ngiti, ligaw-tingin, kamustahan at konting usapan hanggang sa isang gabi di natin namalayan tatlong oras na pala tayong magkahawak-kamay habang nanonood ng TV. Hindi naging madali ang simula natin pero puno ng ligaya. Habang masaya nating nilalasap ang bawat oras ng araw natin may pangamba ako na baka may makakita sa atin na kilala ka at bigla mag-iba ang pagtingin sa'yo dahil sa tuwid na landas ka nananahak noon, ngunit binago ko to. Gustong-gusto ko ang sandaling ipanagmamalaki mo sa mundo na mahal mo ako, hahawakan ang kamay ko habang sabay tayong bumababa ng bus, ngunit takot ako, takot ako na maranasan mo ang lupit ng mata ng lipunan sa mga katulad ko. Ayoko na makita kang masaktan at malungkot. Sabi ko nga kay Bruno Mars "I'll catch a grenade for you, jump off the train for you" tapos ginawa nyang kanta. Gustong gusto ko ang bawat segundo, minuto, oras at araw na magkatabi tayo. Nagtatawanan, magkayakap at napapangiti ng walang kadahilan. Iisa-isahin natin ang mga pangyayari sa  na nangyari sa lumipas na araw.

Nakataw-tingin at simpleng kamusta, ganyan na lang tayo ngayon. Masaya ako. Masaya ako di dahil wala na tayo, masaya ako dahil lahat ng ito pinagdadadaan ko para sa'yo. Maghihintay ako.

No comments:

Post a Comment