Saturday, December 31, 2011

anong G...?ganap.,.ganap...noong 2011..Kilalanin sila..

Ano ang mga naging kaganapan sa aking buhay noong 2011..hmmm??rewind..rewind..January 2011......wala na akong maalala.hahahaha..ano nga bang nangyari noon..Kung tutuusin kulang ata ang 12 buwan para masabi ko kung gaano kablessed ang year 2011 ko. From friends, career, bagong pinagkaabalahan, challenges and trials...cge pati love life na din lahat un nagmistulang crayola na unti-unting kinulayan ang mala-coloring book kong buhay.

Noon, sabi ko masaya na ako sa kung ano ang papel ko sa work, ALT+R+R."22" ENTER..1 billion mong gagawin tas tapos na araw mo,,HONDA!! Pero nabago un nung pinagkatiwalaan ako ng ibang bagay na naging susi sa kung nasaan ako. Mula kay Papa Erik na paulit-ulit akong tatanungin, KAYA MO PA BA?...NAKAILANG EMAILS NA?..Kay Sukey na laging may love letter sa akin na pumanday (naks!pumanday...eewwwww!! bat kaya?) hanggang kay Lemon na naging super idol ko...pero syempre si Regine pa din number 1 ko. 

Ilan lamang sila sa mga bida/kontrbida sa teleserye kong ginawa sa taong 2011. Marami pa sila...

Unahin natin si Lemon...Si Lemon, ang baby girl ng lahat pero sa akin sya ang aking Ina, kapatid, kabarkada, teacher (good at bad), evil sister,hahahahaha.,mentor at syempre taga mulat ng aking mga matang pilit kong pinipikit. Sya ang nagturo sa akin ng maraming bagay, sya rin ang dahilan kung bakit ganito na ako ngayon,,HALIPAROT!hahaha.
No, but seriously, I owe him a lot, he brings out the potential in me and matanda na sya kaya madami akong natutunan sa kanya. I don't know kung ano ako ngayon kung di dahil sa'yo. Hindi ako magiging Pony kung walang mother silveria este mother eagle (sa unang hirit bidang bida ka!) ay mother horse pala. Lemon, isa ka ng Alamat.haha.







Si Sukey, ang Reyna Elena! Mataray, high maintenance (laging nauubos budget ko sa kanya dahil sa padeliver, pero di ako aarte dahil dun narealize ko bawal ineglect ang sarili sa masasarap na pagkain), Ang may-ari ng mga "deal".. metrodeal,ensogo,pakyawan,cashcashpinoy. hahaha. Ang straight-forward kong kapatid, (taray kapatid!hahah..THE NERVE!) Defender ko din sya, mukhang mataray pero mas mataray talaga. hahaha.. Siya ang dahilan kung bakit nagugustuhan ko na si CHARICE na dati ay ayaw ko,hahahahaha. Ibig sabihin sya ang dahilan kung bakit balanse na ang pagtingin ko sa mundo ngayon. She always tells me na ganito kasi un, ganun un, wala syang pakialam kung ikasasama man ng loob ko kasi ipapakita nya sayo na ang mundo ay bilog. TARAY!!




Sweet...sa tagalog DORA..ANG BABAENG LAKWATSERA. Ang dahilan kung bakit lumawak ang mundo ko, ang namamahala ng PCSO, Charity works.hahaha..Ang babaeng puro shots ay pataas, alam na kung bakit...hahaha..Pinakamabait na ata sya sa lahat ng nakilala ko, pero Maldita..ANG DORA NA MAY SARILING BRANDO!!..Sya ang dahilan kung bakit ako ngayon ay isang GALA!! Ang partner ko sa paglalakbay..wait!!kung ikaw si DORA,,ako ung unggoy na kasama mo.. hahahahaha..hahahahaha...KALOKA!!tag line nya yan. Magugulat na lang ako may ticket na ako ng eroplano, may pagkain na ako sa station, pagkain, pagkain, pagkain,pagkain..hayyy Sweet, pagkain,,ALAM MO TALAGANG PATAY-GUTOM AKO!hahaha...Feeling ko Angel to si Sweet e kaso sa kabigatan na bali ung wings,aun andito na sa Earth..hahaha.haha.peace!








Donna and Mikee ng DOREMI (syempre ang abang-lingkod si Regine).

Kelly and Michelle (I am B!).

Jay Galvez and Burn Rodriguez (Matt Gozun ako, hahaha.sa mga di nakakakilala becky nights casts po sila).

Ang aking mga subject sa PANLALAIT..hahaha.
PAANO NA AKO KUNG WALA KAYO..HAHA.
Silang dalawa ang dumadamay sa akin kapag malungkot ako, alam nila kung paano ako pakakalmahin sa mahinahong paraan.haha. Ang dahilan kung bakit nauso ang OMD PARLOR.hahaha. Mapakalokohan, seryoso, kagaguhan,kalaswaan, alam nilang dalawa, sila po ang nagmulat sa akin sa mga ganung bagay.,hahahahahahahahahahahahahaha...peace!! Sila ang aking pang TV PATROL acting. Bagyo, Lindol, Tsunami sabay-sabay!!anjan sila..

tinatamad na ako...antok na ako eh..Eto po ay dala lamang ng aking natitirang energy para makatulog ako,haha..
sa susunod na po ang iba pang artista noong 2011..January pa lang po sila, hanggang December po tayo.haha

Friday, December 9, 2011

Muni-Muni

Kapag nasa Glorietta ako at umaambon bigla na lang ako napapangiti naalala ko tayo, masaya tayong naglakad sa Ayala habang umaabon. Parang mga batang paslit na walang pakialam sa ulan. "Mag-payong ka!" sabi mo sa akin, sagot ko naman sa'yo "Ayoko nga kung magpapakabasa ka, magpapakabasa din ako". Yan ang unang labas natin o sabihin na nating "Date". Kahit pagod tayo masaya pa rin tayo. 

Love is the only thing that can make you happy and sad. Mabilis ang mga pangyayari. Mahigit sa isang taon bago uli ko nasabing I found a true love again. Noong una kitang nakita ang nasabi ko lang sa sarili ko "gusto kita." Nagsimula sa ngiti, ligaw-tingin, kamustahan at konting usapan hanggang sa isang gabi di natin namalayan tatlong oras na pala tayong magkahawak-kamay habang nanonood ng TV. Hindi naging madali ang simula natin pero puno ng ligaya. Habang masaya nating nilalasap ang bawat oras ng araw natin may pangamba ako na baka may makakita sa atin na kilala ka at bigla mag-iba ang pagtingin sa'yo dahil sa tuwid na landas ka nananahak noon, ngunit binago ko to. Gustong-gusto ko ang sandaling ipanagmamalaki mo sa mundo na mahal mo ako, hahawakan ang kamay ko habang sabay tayong bumababa ng bus, ngunit takot ako, takot ako na maranasan mo ang lupit ng mata ng lipunan sa mga katulad ko. Ayoko na makita kang masaktan at malungkot. Sabi ko nga kay Bruno Mars "I'll catch a grenade for you, jump off the train for you" tapos ginawa nyang kanta. Gustong gusto ko ang bawat segundo, minuto, oras at araw na magkatabi tayo. Nagtatawanan, magkayakap at napapangiti ng walang kadahilan. Iisa-isahin natin ang mga pangyayari sa  na nangyari sa lumipas na araw.

Nakataw-tingin at simpleng kamusta, ganyan na lang tayo ngayon. Masaya ako. Masaya ako di dahil wala na tayo, masaya ako dahil lahat ng ito pinagdadadaan ko para sa'yo. Maghihintay ako.